02 November, 2008

"Love Is An Absolute Madnezz" x_x


"Truth hurts?" :D

This post is only intended for those who understand the language. I am not in mood to transfer it to English so sorry for those who cant relate...heheehe... :D


I got this post from a "friendster bulletin" and it actually hit me. Now I know...hahaha.. When it comes to the issues regarding love, things arent really that hard to comprehend. It's just that we have this mindset that whatever we think or feel about "love", nothing may seem to be wrong or "just mind your own business". Until one day we woke up and realized that we have been fooled. Not by somebody that we chose to love, but merely by our own stupid judgments, thoughts and emotions. "It's all in the mind. That's why the brain is located above our heart. Because no matter how strong we feel towards a particular person, still, we just cant stop our thoughts from interfering. For me, our thoughts or the power of the mind is just so strong it can even break the spell of love... :D :P ;)


"It's ok to fall, just as long as you know how and when to get up and pull yourself out of the pit."


1. 'Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..'


2. 'Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.'


3. 'Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.'


4. 'Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.'


5. 'Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.'


6. 'Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.'


7. 'Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.'


8. 'Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.'


9. 'Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.'

10. 'Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.'


11. 'Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.'


12. 'Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.'


13. 'Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.'


14. 'Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.'


15. 'Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.'


16. 'Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala'


17. 'Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan'


18. 'Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!'


19. 'Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.'


20. 'Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.'


21. 'Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka..'



Makes sense, db?..hehe..tama naman... kaya sana magsilbi ang mga itu na pambukas ng mga puso't isip ninyo..heheehe.. :D



These quotes are actually from Bob Ong (Roberto Ong's pseudonym). He is a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino.


I have read some of his funny yet full of truth and reality books. And upon discovering these quotes, I made a further research of his other famous quotes or those that came from his books. Here are my faves:

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”

“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”


”Mag-aral maigi; Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

“iba ang informal gramar sa mali!!!”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila..dahil walang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.“

“Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.”

“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

“bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"


“Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”


“Iba ang tinititigan sa tinitingnan. Ang tinititigan, sa isang bahagi lang nakatingin. Ang tinitingnan buong bahagi ang sinusuri. Iba rin ang iniintindi sa inuunawa. Ang iniintindi, pinipilit sa isipan. Ang inuunawa alam kung bakit dapat ipilit sa isipan. Kung kaya dapat: Tinitingnan ang mga bagay para maunawaan
at hindi titigan lang at intindihin.."

Kailangan mo rin pala ng lakas ng loob para sabihin mong mahina ka.”




8 comments:

lucas said...

hays... usapang pag-ibig. can't relate! haha! did i just sound bitter? hahaha!

had fun reading this post :)

nakakatuwa talaga yang si Bob. yung first book pa rin yung paborito ko :)

one love! :)

Clare Marshall said...

@rone
-uu nga...he's cool and everything...haha...hmmm...well, after reading some of your posts, di na ako magtataka kung mag sound bitter ka..hehehe..it simply implies...para kang brokenhearted who swore not to love again?..naks...haha...hopefully, someday soon, you'll get to find your "love". naks..hahaha :D

jacob said...

oi! nag enjoy akong basahin to..ang daming quotes yung iba sapol ako eh...TAGOS NGA OH! :(

hahayz "love" nga nmn..

nice tlga mga sayings nya..kahit sino mkakarelate nmn nyan...22o pero ang hirap gawin yung iba..masakit pala tlga ang katotohanan noh? tsk tsk..

hay naku pril..hehe emot2 na aq ang aga pa...

o xa xa..hehe :P

ingatz lagi! ^.^\m/ rock en roll lng..hehe

jacob said...

oops me pahabol lang ako...gusto ko rin e share tong fave quotes or sayings ko...baka u like it then :P

"You want & you get that's LUCK,
You want & you wait that's TIME,
You want but you compromise that's LIFE lastly,
You want & you wait & you don't compromise that's LOVE."

-----------------

"Life is short, so break the rules... forgive quickly, believe slowly, laugh uncontrollably, and...never regret anything that made you smile..."

Yun lng..hehe PUNKS nga eh.. o_O\m/

Clare Marshall said...

@jacob
-nyay!...heheehe..kaya nga "truth hurts talaga"...parang sampal sa mukha lalo na pag di mo maAmin na totoo talaga..hehe
hey, I like your quotes...hehe..pag love and love talaga ang topic nakaka emote noh?..heehee..tc lagi :D

RoNald said...

the best ang post ni sensei ah. no wonder nga naman na ur the best sensei and sooner will become one of the kages. hehehe.

Yes the truth really hurts. pero napansin ko lang na parang may conflict sa mga quotes.

2. 'Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.'
5. 'Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.'
15. 'Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.'

Ano ba dapat...huwag bitawan o maghagdan na lang? hirap din naman kasing libutin ang buong mundo lalo na't kulang pa sa'yo ang sweldo mo.hihihi

Clare Marshall said...

@ronald
-tsk3..pakialamero! banned kna d2...haha...eh di nmn sinabi jan na iConnect mo cla eh..Interrelated cla but you should take them individually.. :P Anyway, may point ka din sa mga sinabi mo...mahirap na buhay now kaya di na kaya libutin ang mundo..kaya nga daw maghagdan na eh..para save sa kuryente...haha..pero kung may hawak ka..mag elevator kna..mabigat yan eh.kakapagod sa hagdan..haha..toinks ka talaga :P

Wala ako plan maging hokage...sagabal yun sa mga plans ko na take over ang mundo..hahaha :P

RoNald said...

sikip na nga yung elevator, nasa 80th floor pa ang pupuntahan ko at may hawak pa ako na di ko kayang bitawan. paano na to? cguro kung maghagdan ako sana may kasama/kausap para mas masaya. at second sana din macheck ko ang elevator pagbukas nya na may bakante pa na kahit sa 50th floor man lang makakasakay na ako. ;))